-- Advertisements --

Pinahiya ng Magnolia Hotshots ang TNT Tropang Giga 94-92 sa 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Sa huling ilang segundo ng laro ay nag-tie sa 92-all ang hanggang ma-foul si Paul Lee at naipasok nito ang kaniyang dalawang free throw na nagbigay sa 94-92 na kalamangan sa natitirang apat na segundo sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Umabot pa sa 13 points ang kalamangan ng Magnolia sa third quarter hanggang humabol ang TNT.

Nagtala ng 25 points, nine rebounds at tatlong assists at dalawang steals si Calvin Abueva habang mayroong 16 points, apat na rebounds, tatlong assists at isang steal si Paul Lee.

Tumipa naman ng 22 points, 15 rebounds, dalawang assists, isang steal at isang block si import Nicholas Rakocevic.