-- Advertisements --
Pasok na sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup ang Magnolia Hotshots.
Ito ay matapos na talunin nila ang TNT sa score na 109-94 sa laro na ginanap sa Philsport Arena.
Sa pagtatapos ng first half ay hawak ng TNT ang kalamangan na mayroong 50-44 hanggang nahabol ito ng Magnolia.
Susunod na makakaharap ng Magnolia ang sinumang manalo sa pagitan ng Meralco Bolts at Phoenix Super LPG.