-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng PBA Commissioners Cup ang Magnolia Chicken Timplados.

Ito ay matapos na ilampaso nila sa Game 4 ng semifinals ang Phoenix Super LPG Fuel Masters sa score na 89-79 sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena sa lungsod ng Pasay.

Hindi na hinayaan ng Magnolia na maulit pa ang pagkatalo noong Game 3 ng lamangan sila ng hanggang 21 points.

Bumida sa panalo si Mark Barroca na nagtala ng 21 points habang si Tyler Bey ay mayroong 20 ponts at 20 rebounds.

Dahil dito ay makakaharap ng Magnolia ang San Miguel Beermen sa finals na magsisimula ang best of seven sa araw ng Biyernes na gaganapin sa Mall of Asia Arena.