-- Advertisements --

Pasok na sa pangatlong puwesto ng playoff sa 2022 PBA Philippine Cup ang Magnolia matapos talunin ang Blackwater 75-66.

Nanguna sa panalo ng Hotshots si Paul Lee na nagtala ng 22 points at anim na rebounds habang mayroong 15 points, 10 rebounds at limang assists si Calvin Abueva.

Mayroon ng walong panalo at tatlong talo ang Hotshots na makakaharap ang NLEX Road Warriors sa best of three quarterfinals.

Nasa pang-walong puwesto ang Blackwater Bossings na kailangan makaharap ang top seed na San Miguel Beermen para sa twice-to-beat.