Hindi pinaporma ng Magnolia Hotshots ang Meralco Bolts 117-92 sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Philippine Cup.
Bumandera sa panalo ng HotShots si Paul Lee na nagtala ng 27 points para makuha ang anim na sunod na panalo ng koponan.
Nagdadag naman ng 16 points , siyam na rebounds si Ian Sangalang, habang mayroong tig-11 points sina Zav Lucero, James Laput at Rome Dela Rosa ng Hotshots.
Mula sa simula ng laro ay hawak ng Magnolia ang kalamangan kung saan pagpasok ng last quarter ay doon tuluyang umarangkada ang koponan.
Nagkainitan pa sina Cliff Hodge ng Bolts at Zav Lucero ng Magnolia sa natitirang dalawang minuto ng laro.
Dahil dito ay tinawagan ng flagrant foul si Hodge at penalty 1 naman kay Lucero.
Nasayang naman ang nagawang 20 poins ni Chris Banchero at 14 points naman ni Chris Newsome para sa Bolts.