-- Advertisements --

Nangailangan pa ng dalawang overtime para talunin ng Magnolia ang NLEX 112-105 sa nagpapatuloy na 2021 PBA Philippine Cup.

Umabot sa 16 puntos ang kalamangan ng NLEX ng mahabol ito ng Hotshots sa last quarter na naitabla sa 94- all. sa laro na ginanap sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Sa unang overtime ay hindi akalain ng Magnolia na magtatagumpay ang three-point ni Aris Dionisio na nagdala sa 104-all.

Nahawakan ng Magnolia ang laro sa pagpasok ng ikalawang overtime.

Naging matagumpay ang layup shot ni Jio Jalalon sa natitirang 2:15 para makuha ang 110-105.

Bumida sa panalo si Calvin Abueva na nakapagtala ng 23 points, 12 rebounds, apat na assists, tatlong steals at dalawang blocks.