Naitala ang magnitude 6.7 na aftershock kasunod ng malakas na magniture 7.8 na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani ngayong umaga ng Lunes, Hunyo 8.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang aftershock ay naitala kaninang alas-8:55 ng umaga, mahigit isang oras lamang mula nang tumama ang malakas na lindol kaninang alas-7:37 ng umaga. May lalim itong 44 na kilometro.
Naitala ang aftershock sa may Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
Nairekord din ang intensity III sa General Santos City, Davao City, Zamboanga City, at sa Surallah, South Cotabato.
Naramdaman naman ang Intensity II sa Kiamba, Sarangani at sa TBoli, South Cotabato.
Nasa Intensity I naman ang naramdaman sa Mlang, Cotabato at Maitum, Sarangani.












