-- Advertisements --
DAVAO CITY – Niyanig ng Magnitude 4.9 na lindol ang ilang bahagi ng Davao at Caraga region kagabi.
Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Philvocs), ang epicenter sa nasabing pagyanig ay nagmula sa Monkayo Davao, de Oro na may lalim na 18 kms.
Nasa Intensity IV – ang Rosario, Agusan del Sur; Maco, Davao de Oro, Intensity II – Bayugan City, Agusan del Sur habang Instrumental Intensity ang naramdaman sa ibang lugar kung saan nasa Intensity II ang Bislig City at Surigao del Sur habang Intensity I ang Davao City.
Sinabi rin ng Phivolcs na wala umanong aasahan na aftershocks at pinsala ang nasabing pagyanig.