Nagkaroon ng kakaibang pag-iisang dibdib ng magkasintahan sa US.
Ikinasal kasi sina Pam at Jeremy Salda habang sila ay lulan ng Southwest flight mula Dallas patungong Las Vegas na may taas ng 37,000.
Naging ‘instant maid of honor’ ang mga flight attendant habang ginamit ang mga tissue papers bilang desensiyo.
Nagkakilala ang dalawa noong Agosto 2020 at matapos na mabalitaan na maaarin ng bumiyahe ng walang face mask ay nagdesisyon silang magpakasal sa Las Vegas.
Nakabili na ng kanilang mga isusuot at nakabook na ang kanilang flights at hotel.
Isinuot na ng dalawa ang kanilang damit pangkasal sa biyahe patungo sa Las Vegas subalit nagkaroon ng ilang aberya at pagkaantala ng kanilang flights patungong Las Vegas kaya hindi nahabol ang oras ng kanilang kasal.
Habang nasa Dallas/Fort Worth airport ay nakilala nila si Chris Kligora kasama nilang pasahero na isa pa lang inordinahang ministro kaya at ito nagbolontaryo na ikasal na ang dalawa.
Plano ng dalawa na ituloy ang kasal sa Agosto na gaganapin sa Cabo, San Lucas sa Mexico.