-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nakakulong na ang magkasintahan matapos maaktuhan ang mga ito na nagtatalik sa likod ng Davao City Hall.
Ayon sa San Pedro-Philippine National Police, may natanggap silang tawag mula mismo sa isang empleyado na may nagtatalik sa likod ng nasabing gusali kaya agad silang rumesponde.
Hinuli ang magkasintahan na tinago lamang sa pangalan na sina alyas Adan, 35-anyos na landscaper, residente ng Barangay 2-A, Davao City; at alyas Eva, 43, parking girl, residente ng Barangay1-A, Poblacion District nitong lungsod.
Dahil sa kanilang ginawa, mahaharap ang magkasintahan sa kasong public scandal.