-- Advertisements --

Nagdesisyon na rin si dating heavyweight boxing champion Vitali Klitschko na mag-armas na rin kasama ang kanyang kapatid na boxing Hall of Famer din na si Wladimir Klitschko upang labanan ang pananakop ng Russian forces.

Si Vitali Klitschko, ay ang kasalukuyang mayor ng kabisera ng Ukraine na Kyiv mula pa noong 2014.

Si Vitali na 50-anyos na at nakilala sa mundo ng boxing noon bilang si “Dr. Ironfist” ay nagsabing wala na silang choice kundi sumama sa mga sibilyan nila at tulungan ang kanilang militar na labanan ang lumulusob na Russian soldiers.

Ang kapatid ni Mayor Vitali na dati ring heavyweight champion na si Wladimir ay una nang nagpalista sa Ukraine reserve army upang matutong humawak ng armas.

Ang dalawang ay mga bigating professional boxers sa pagitan ng taong 2004 hanggang 2015 at kinilala bilang Guinness World Record holder na merong pinakamaraming world heavyweight title na umabot sa 40.