Ang Easterlies o ang mainit na hangin mula sa Pacific ay magdadala ng magandang panahon sa karamihan ng bansa sa Bisperas ng Bagong Taon, ayon sa weather bureau ngayong Linggo.
Ang Amihan o Northeast Monsoon ay nakikitang nakakaapekto lamang sa Northern Luzon, partikular sa Batanes at Babuyan Islands.
Pero sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, ang panahon ay inaasahang magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Posible pa rin ang mga localized thunderstorm na maaaring humantong sa mga flash flood o landslide sa panahon ng matinding thunderstorm.
Ayon sa weather bureau, katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Northeast hanggang East ang iiral sa silangang bahagi ng Visayas, na maaaring magkaroon ng katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Light hanggang Moderate na hangin naman mula Northeast hanggang East ang iiral sa natitirang bahagi ng Visayas, Palawan kabilang ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.