-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang mag-asawa ng pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga biktima na sina Paul Sherwin Bacolor,43 anyos at asawa nya na si Jenalyn Bacolor,mga residente ng Barangay Macaguiling Sultan Kudarat Maguindanao.

Ayon kay Sultan Kudarat Chief of Police Lieutenant Colonel Sabri Lakibul na magka-angkas ang mag-asawa nang dikitan ng riding in tandem suspects sa bahagi ng Barangay Gang at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Cotabato City.

Tinulungan ng mga bystanders o mga residente ng Barangay Gang ang mga biktima at dinala sa pagamutan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Sultan Kudarat Maguindanao PNP sa pamamaril sa mag-asawa.