-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Iniutos na ngayon ang malalimang imbestigasyon si POLICE BRIGADIER GENERAL ROMEO M CARAMAT JR, Regional Director ng Police Regional Office o PRO-13 kaugnay sa pagkamatay ng mag-ama na natagpuang wala nang buhay sa bukiring bahagi ng Sitio Mat-i, Brgy. Matin-ao, Mainit, Surigao del Norte kahapon.

Tinitiyak ng opisyal na ang Mainit Municipal Police Station ay nasa komprehensibong imbestigasyon upang matukoy ang mga suspek at malaman ang motibo sa kremin.

Maalalang pasado alas 3:00 sa hapon nang ipinaalam ni Barangay Kapitan Alberto Odtojan sa Brgy. Matin-ao sa pulisya ang pagkarekober sa 2 bangkay.
Base sa resulta ng post mortem examination na ginawa ni Dr. Jessie U. Aguillera, Rural Health Officer sa Mainit, ang mga biktima ay parehong may tama ng baril sa kanilang katawan.

Nakilala ang mga biktima na sina Jose Madelozo, 50-anyos at anak nitong si Junry Madelozo, 28-anyos na parehong residente sa Brgy. Mayag, Sison sa Surigao del Norte.

Pumunta umano ang mga biktima sa bugubatan upang maghanap ng kahoy na mapuputol.