BOMBO DAGUPAN – Nakakalarma na ang nagiging madalas na ang pagkakatala ng mga forest fire sa bansang Spain.
Ito ang sinabi ni Bombo International Correspondent Eva Tinaza ukol sa nasabing insidente sa naturang bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng heat index doon.
Ayon kay Tinaza, ilang ektarya na rin ng mga kagubatan sa kanilang bansa ang nasunog ngunit mabuti na lamang umano at walang nadadamay na mga kabahayan.
Aniya, kadalasan umano na nararamdaman sa Spain ang mataas na temperatura sa pagitan ng buwan ng Hulyo o Agusto.
Bagaman nagiging normal lang itong nararanasan ng nabanggit na bansa, marami pa rin umano sa mga nadoon ang mga nahihimatay dahil sa mataas na temperatura o isinusugod sa mga ospital dahil ilan pang mga heat related diseases.
Kaya naman lagi umano ang abiso ng mga otoridad sa Espanya sa mga mamayan na uminom ng tubig, kung maaring mag-tay at home, at magdala ng mga payon para makaiwas sa epekto ng mataas na temperatura lalo na pag lumalabay ng bahay.
Maliban pa rito marami ring mga mamamayan ang nagtutungo sa mga dagat o mga lugar na may sariwang hangin para maibsan ang init na kanilang nararamdaman lalo na sa siyudad ng Madrid.