-- Advertisements --
Mabagal ang usad ng trapiko sa may Dangwa at Quaipo sa Maynila dahil Valentine’s day at Ash Wednesday rush.
Naobserbahan ang mabagal na daloy ng trapiko mula Lacson Avenue corner ng España Boulevard patungong Maria Clara at Dimasalang Streets nitong umaga ng Feb. 14.
Ilang mga driver ang nagreklamo dahil mag mga motoristang humihinto sa mga stall sa Dangwa para bumili ng mg abulakla para sa kanilang mahal sa buhay.
Marami ding mga delivery riders at bultong mga mamimili ang nasa mga sidewalks na nagaantay ng idedeliver na bulaklak at bumibili.
Inaasahan naman ng MMDA na magtatagal pa ang mabigat na daloy ng trapiko sa nabanggit na lugar hanggang sa weekend.
Dagsa din ang mga tao sa Quiapo para dumalo ng misa sa Quaipo church.