-- Advertisements --
Stephanie Lydia de Vega Mercado Koeningswarter
Stephanie Mercado-Koeningswarter

Binigyan ngayong weekend ng pamilya na buksan sa publiko ang pagdalaw sa dating sprint queen na si Lydia de Vega-Mercado kung saan nakaburol ang labi nito sa Heritage Park, Taguig City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Stephanie de Vega Mercado Koeningswarter, sinabi nito na bubuksan ngayon sa public viewing ang labi ng kanilang ina.

Ito ay dahil next week ay dadalhin na ito doon sa kanilang bayan sa Meycauyan, Bulacan upang bigyan naman ng pagkakataon na makiramay din ang kanilang mga kababayan.

Ang tentative schedule ng libing ay sa Miyerkules doon din sa Bulacan sa tabi ng puntod ng kanyang anak na pumanaw noon at sa kanyang ama na si Tatang de Vega.