-- Advertisements --
NGCP

Isinailalim ngayon sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Gid ngayong arraw dahil sa patuloy na pagtaas sa demand ng supply ng kuryente sa rehiyon.

Ayon sa NGCP, makakaranas ng manipis na energy supply ang mga lugar na kanilang sine-serbisyuhan mula ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.

Batay sa datos ng kompanya aabot sa 11,814 megawatts ang available capacity ng Luzon Grid ngayong araw habang nasa 10,865 megawatts ang inaasahang demand.

Sa ilalim ng yellow alert walang inaasahang aberya o brownout sa kuryente.