-- Advertisements --

Handang-handa ang Artemis II mission sa buwan.

Mayroong 10-araw na mission ang nasabing rocket na ito ay mag-iikot sa buwan.

Hindi gaya ng Apollo-era crews na puro mga White Americans na may military backgrounds ngayon ang Artemis II astronauts ay magrerepresenta ng ilang makasaysayang paglipad.

Kinabibilangan ito nina Reid Wiseman, ang Navy test pilo at commander ng mission mula sa NASA.

Kabilang din si Victor Glover isa ring naval test pilot na magiging unang Black person na magbabiyahe sa kalawakan.

Habang si Christina Koch na isang engineer ay record-holding astronaut na unang babae rin na lilipad palabas ng mundo.

Panghuling crew ay mula sa Canadian Space Agency na si Jeremy Hansen isang fighter pilot na unang non-NASA astronaut na lalahok sa lunar mission.

Gaganapin ang paglipad ng rocket dakong alas-6:30 ng umaga ng Huwebes, Abril 2 oras sa Pilipinas.