-- Advertisements --

Hindi naiwasan ni Artemis II Landing and Recovery Director Lili Villarreal na maging emosyonal sa matagumpay na splashdown ng natitirang capsule ng Artemis II sa San Diego California.

Si Villareal ay isang Colombian immigrant na nanguna sa landing (splashdown) ng natitirang Artemis II capsule na kinalululanan ng apat na astronaut na matagumpay na bumiyahe sa buwan.

Sa panayam sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), ibinahagi ni Villareal ang kagalakan sa pagtagumpay ng misyon mula noong ito ay nagsimula hanggang sa matagumpay na nakabalik sa daigdig.

Isa aniyang hindi mababayarang karanasan na unang makita ang mga astronaut kasunod ng kanilang matagumpay na misyon at matiyak na maayos ang landing, maayos angretrieval sa mga astronaut, at recovery sa capsule.

Binalikan din ni Villareal kung paano siya nakapasok sa NASA sa kabila ng kaniyang pagiging immigrant mula sa Colombia.