-- Advertisements --

Sinabi ng isang astronaut mula sa Artemis II na mas makulay kaysa sa inaasahan ang itsura ng buwan, batay sa obserbasyon ng crew sa kanilang lunar flyby—isang misyon na nagmamarka ng pagbabalik ng sangkatauhan sa paligid ng buwan.

Ayon kay mission specialist Jeremy Hansen, napansin nila ang mga “brownish” at “greenish hues” sa ilang bahagi ng buwan.

Binanggit niya na may mga berdeng patch din ito sa Aristarchus crater.

Napansin rin ng crew ang ilang brown areas sa buwan, kabilang ang isang malaking rehiyon sa kanlurang bahagi ng Orientale Basin, na inilarawan ni Hansen bilang parang isang piraso ng pie.

Sa umpisa, hindi tugma ang kanilang paglalarawan sa nakikita nila sa screens, pero nang dumating daw ang higher resolution images, mas naiintindihan nila ang kanilang mga naobserbahan.

Maalalang umalis ang Artemis II noong Abril 1 at nagtala ng bagong record bilang pinakamalayong distansya na narating ng tao mula sa Earth (406,771 kilometro).

Layunin ng Artemis program na maibalik ang tao sa Moon’s surface pagsapit ng 2028 at magkaroon ng permanenteng presensya ng U.S. doon.