Umaabot na umano sa humigit kumulang P21 billion nalulugi sa industriya ng mga sinehan sa bansa mula noong nakalipas na taon nang magsimula ang lockdown dahil sa COVID pandemic.
Iniulat ni Charmaine Bauzon, presidente ng cinema association of the Philippines, nasa mahigit din 300,000 ang naapektuhan sa mga manggagawa kasama na mga nasa sinehan, ticket sellers, buong film production, tulad ng mga artista, mga crews at mga establisyemento na umaasa sa operasyon ng mga sinehan.
Samantala, sa ngayon aniya ay nasa 95 porsyento ng mga cinema employees ang nabakunahan.
Handa na rin daw ang mga sinehan sa mga measures ng IATF na isasagawa dahil kung tutuusin sa ibang bansa na nagbukas na ang cinema ay wala umanong report na ito ay magiging super spreader.
Kung tutuusin sabik na raw ang mga tao dahil iba pa rin ang eksperyensya sa big screen na batay daw sa ilang pag-aaral ay maituturing ding isang theraphy sa mga panahon ngayon.