Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga taxi driver na huwag mang-snub ang mga pasahero.
Ito ay sa gitna ng inaasahang pagtaas ng demand bago ang holiday season.
Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng LTFRB, inihahanda na ng ahensya ang kanilang Oplan Isnabero na nagbabawal sa mga taxi driver na huwag pansinin ang mga pasahero.
Ang nasabing hakbang ay humihimok rin sa publiko na isumbong agad sa mga kinauukulan ang sinumang lalabag.
Ayon kay Pialago, walang shortage sa public transportation dahil ang national effort naman ay inihanda mula sa mga pampublikong sasakyan tulad ng mga tren at mga bus.
Binuhay ng LTFRB noong 2022 ang Oplan Isnabero, na pinarurusahan ang mga taxi driver na napatunayang umiiwas o pumipili ng mga pasahero ng P5,000 na multa para sa unang paglabag, P10,000 para sa ikalawang paglabag, at P15,000 at ang posibleng pagbawi ng franchise unit para sa ikatlong pagkakasala mula sa nasabing panukala.