-- Advertisements --
Naglunsad na ng imbesitgasyon ang Land Transportation Office (LTO) kung paano nakakapagrehistro pa ang mga sasakyan ng hindi na ligtas bumiyahe sa kalsada.
Sinabi LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III na nakipag-ugnayan ito sa lahat ng mga LTO offices sa bansa para matiyak na hindi na makakapagrehistro ang mga sasakyang hindi ligtas na bumiyahe.
Pagtitiyak din nito na naghihigpit ang mga ito sa pagpaparehistro ng mga sasakyan.
Handa aniya nitong panagutin ang mga opisyal nila na magpapalusot ng nasabing sasakayang hindi na dapat iparehistro.