-- Advertisements --
image 219

Tinitingnan ng Land Transportation Office (LTO) ang digitalization ng driver’s license renewal process at ang pag-iisyu ng student license.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, kanilang pinag-aaralan ang paglipat sa digital na proseso ng renewal nito.

Aniya, sa lalong madaling panahon, gagamitin na din ng kanilang tanggapan ang digital platform sa pagpoproseso ng mga kinakailangan sa LTO.

Giit ng opisyal, ang planong ito ay naaayon sa pagtutulak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa digitalization sa mga departmento at ahensya sa buong bansa.

Ito rin aniya ang nag-udyok sa LTO na ilunsad ang kanilang electronic driver’s license noong Hunyo upang matugunan ang kakulangan ng mga license card.

Una na rito, ang digital version ng mga driver’s license ay maaaring ma-access sa portal ng Land Transportation Management System ng LTO.