-- Advertisements --
LTO BOMBO

Tinututukan ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang mga overloaded truck na may ruta sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, unang lumapit sa kanila ang isang senador at nagreklamo sa mga overloaded truck, lalo na sa mga probinsya

Dahil dito, hinihingi ng LTO ang tulong ng Highway Patrol Group at Department of Public Works and Highways upang mamonitor ang mga dumadaan na overloaded truck sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kabilang sa mga plano ng tatlong ahensya ay ang higpitan ang pagbabantay sa mga lansangan, at magsagawa ng inspection sa mga strategic areas.

Una na ring nagbigay ng direktiba ang hepe ng Highway Patrol Group sa mga Regional Offices nito, upang tumugon sa panawagan ng LTO.

Paliwanag ng LTO Chief, ang mga overloaded na sasakyan ay kadalasang nasasangkot sa mga aksidente sa kalsada.

Ilan sa mga dahilan dito ay ang nawawalan ng preno ang mga sasakyan, daan upang mawalan ng kontrol ang driver sa manibela ng sasakyan.