-- Advertisements --
LTO BOMBO

Naglabas na ng schedule ang Land Transportation Office (LTO) para sa renewal ng mga expired na driver’s license matapos makakuha ng sapat na supply ng plastic card.

Matapos ang anim na buwang pagbibigay ng mga licensed paper dahil sa kakulangan ng mga plastic card, nagtakda ang LTO ng anim na petsa ng renewal para sa mga driver’s license na nag-expire mula Abril 1 hanggang Setyembre 30, kasunod ng paghahatid ng mas maraming plastic card sa nakalipas na ilang linggo.

Ayon sa LTO, mayroon nang sapat na bilang ng mga plastic card para masakop ang pag-imprenta ng mga driver’s license sa tulong ng DOTr na pinalaki ang produksyon ng pag-iimprenta ng mga plastic cards.

Sa ilalim ng memorandum na inilabas ni LTO Chief Vigor Mendoza , ang mga sumusunod ay ang mga nakatakdang petsa ng pag-renew:

-Para sa Driver’s License na nag-expire mula Abril 1 hanggang 30, ang mga nakatakdang petsa ng pag-renew ay mula Oktubre 6-31, 2023
-Para sa Driver’s License na nag-expire mula Mayo 1-31, 2023, ang mga nakatakdang petsa ng pag-renew ay mula Nobyembre 1-30, 2023
-Para sa Driver’s License na nag-expire mula Hunyo 1-30, 2023, ang mga nakatakdang petsa ng pag-renew ay mula Disyembre 1-31, 2023
-Para sa Driver’s License na nag-expire mula Hulyo 1-31, 2023, ang mga nakatakdang petsa ng pag-renew ay mula Enero 1-31, 2024
-Para sa Driver’s License na nag-expire mula Agosto 1-31, 2023, ang mga nakatakdang petsa ng pag-renew ay mula Pebrero 1-29, 2024
-Para sa Driver’s License na nag-expire mula Setyembre 1-30, 2023, ang mga nakatakdang petsa ng pag-renew ay mula Marso 1-31, 2024.

Nauna nang ipinaliwanag ni Mendoza na ang mga nakatakdang petsa ay para maiwasan ang congestion sa lahat ng opisina ng LTO sa buong bansa.