-- Advertisements --

Pinulong ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza ang lahat ng kaniyang regional directors para paghandaan ang paghuli sa mga unconsolidated jeepneys sa unang araw ng Pebrero.

Sinabi ni Mendoza na dapat samantalahin ng mga pampasaherong jeep na sumali sa mga kooperatiba bago magpaso ang ibinigay na deadline ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hanggang Enero 31.

Paglilinaw pa nito na makikipag-ugnayan sila sa LTFRB at Department of Transportation baka makapagbigay ang mga ito ng special permit.

Hindi aniya sila basta-basta manghuhuli dahil ayaw nilang walang masakyan ang publiko.

Una ng inatasan na rin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay officials na pagbawalan din ang mga unconsolidated na pampasaherong jeepney na pumasada simula Pebrero 1.