Binalaan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga doctors at medical clinics na accredited na kanilang opisina na kanilang tatanggalin ang kanilang permit kapag maaktuhang nagbebenta ng medical certificates at ang “no-show” examinations.
Kasunod ito sa mga natanggap na reklamo ng LTO na may mga medical clinics at doctors na nagbibigay ang mga medical certificates sa mga kumukuha ng driver’s license kahit wala ng aktual na physical examination.
Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade na mahigpit na niyang inutusan ang mga LTO offices sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na bantayan ang nasabing nagaganap na kurapsyon.
Pinaalalahanan din nito ang mga driver’s license applicants na mahalaga ang nasabing medical examinations sa pagkuha ng lisensiya dahil dito makikita kung karapatdapat bang magmaneho ang isang tao.