Muling nagbabala ang Land Trasportation Office sa mga operator ng mga colorum na sasakyan.
Ito ang binigyang-diin ni LTO Chief Vigor Mendoza II kasunod ng patuloy na pagkakahuli ng mga otoridad sa mga colorum van sa kabila ng paghihigpit na ginagawa ng ahensya ukol dito.
Sa isang statement ay matapang na ipinahayag ng LTO chief na dadalhin nito sa korte ang sinumang indibidwal na mapapatunayang lumalabag sa naturang kautusan bagay na marami nang nasampolan.
Ito ay sa layunin ng kanilang kagawaran na tuluyan nang matuldukan ang ganitong uri ng mga colorum activity.
Kung maaalala, una nang sinabi ng LTO na sa ngayon ay nakikipagtulungan na rin sila sa PNP Highway Patrol Group bilang bahagi ng kanilang layuning mas pinapalakas pa nito ang anti-colorum drive ng kanilang ahensya.