Nag-isyu ang Land Transportation Office (LTO) ng subpoena sa isa sa kanilang empleyado na nasangkot sa road rage incident o away kalsada sa San Jose del Monte sa lalawigan ng Bulacan.
Inatasan na rin ni LTO chief Vigor Mendoza II ang LTO Region 3 Director na imbetigahan ang naturang insidente.
Magugunita na noong Biyernes, nakuhanan ng video ng isang motorista ang insidente sa pagitan ng SUV driver at delivery rider.
Armado umano ang SUV driver at hinalot ang cell phone ng rider at inihagis sa ground.
Humingi naman ng tulong ang rider mula sa San Jose del Monte Police kung saan natukoy ang SUV driver na si Gregorio Glean na isang LTO administrative aide.
Humingi naman ng patawad ang SUV driver nanag magkita ang dalawang partido noong Setyembre 14 bagamat nakatakda pa rin itong magpaliwanag ng kaniyang panig sa insidente sa LTO Central Office.