-- Advertisements --
Kinansela na ng Land Transportation Office (LTO) ang drivers license ng tatlong rider na nag-viral sa social media na walang suot na mga protective gear gaya ng helmet at nagpa-gewang-gewang sa kalsada ng Biñan, Laguna.
Sinabi ni LTO Director Clarence Guinto na ipinag-utos ang pagkansela ng lisensiya ng nasabing tatlong rider.
Malinaw aniya na lumabag ang mga ito reckless driving, hindi paggamit ng helmet, paggamit ng hindi otorisidong plaka at ang paglagaya ng iligal na accessories.
Bukod sa kanselasyon ng kanilang lisensiya ay pinagmumulta ang mga ito ng tig-₱13,500 at dapat isurrender nila ang kanilang mga lisensiya.