-- Advertisements --
Nagsama ang Land Transportation Office (LTO) at Bureau of Customs (BOC) sa paglaban kontra sa smuggling ng mga sasakyan.
Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno para mapalakas ang kampanya sa mga pagpaparehistro ng mga imported at smuggled na sasakyan ay pumirma sila ng memorandum of agreement.
Magkakaroon ang dalawang ahensiya ng data sharing ng mga dokumento gaya ng Certificate of Registration, Official Receipts at Certificate of Payments.
Natitiyak na sa kasunduan ay istriktong tutugon sila sa mga panuntunan na ipinapatupad ng gobyerno.