-- Advertisements --

Pare-parehong nahaharap sa suspensyon ang ilang opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Region 5 dahil sa mga paratang ng korupsyon.

Kabilang sa mga ipinasuspinde ang mismong regional director na si Vladimir Kahulugan na inireklamo ng grave misconduct, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the public.

Damay din ang nasa 16 na iba pang empleyado ng LTFRB-Bicol tulad ni Gerard del Rio na sinibak noong Hulyo dahil sa pagtanggap ng suhol kapalit ng mabilis na proseso sa aplikasyon ng isang operator.

Pati na sina Andres Tabunda at Arnel Sabello na nameke umano ng dokumento at minutes ng deliberation sa appointment ng ilang regional office personnel.

Ayon sa LTFRB, nakarating sa kanilang central office ang pagtanggap umano ng solication ng Regional Office 5 mula sa mga public transport operators.

Nadawit ang pangalan ng isang Mark Sumulong bilang taga-kolekta ng pera sa mga operator na may nakabinbin pang kaso sa naturang regional office.

“The fight against graft and corruption is an ongoing battle. We will not hesitate to rid anyone caught disobeying the law,” ani LTFRB chairman Martin Delgra.