-- Advertisements --
Papayagan pa ring bumiyahe ang mga pampasaherong jeepney na bigong makapag-consolidate sa itinakdang deadline ng Disyembre 31.
Sa Memorandum Circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mayroong papayagan silang pumasada pero hanggang Enero 31, 2024 lamang.
Sa nasabing isang buwan ay maglalabas ng show-cause orders ang LTFRB sa mga operators ng jeepney kung bakit hindi sila nag-comply sa Public Service Act.
Sa nasabing kautusan ay magbibigay ang LTFRB ng special permits para mag-operate sa ruta ng walang consolidation.