Agad nilinaw ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III na tanging ang mga unconsolidated jeep at iba pang pampublikong sasakyan na hindi pa nagpaso ang registration sa Land Transportation Office ang pinapayagang pumasada sa kanilang mga ruta hanggang sa Abril 30.
Ito ay sa gitna ng pagpapahintulot ng operasyon ng mga operator ng pampasaherong dyip at iba pang pampublikong sasakyan na nabigong makapag-consolidate noong December 31 kung saan hanggang sa Abril 30 ng kasalukuyang taon ay maaari pa silang mamasada bilang bahagi ng 3 buwang extension na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ilalim kasi ng Memorandum Circular 2024-001, ginagarantiyahan ng provisional authority ang mga unconsolidated na mga operator para mag-operate hnaggang sa Abril 30.
Samantala, nanindigan si DOTr Sec. Jaime Bautista na ang April 30 deadline ang huling pagpapalawign na dahil 8 beses ng pinagbigyan ng pamahalaan ang pagpapalawig ng consolidation sa ilalim ng PUV modernization program simula pa noong 2017.