-- Advertisements --

Nagsimula ng tumanggap ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga special permit para sa Undas sa buwan ng Nobyembre.

Inaasahan kasi ng LTFRB ang kapal ng mga biyahero na uuwi sa kanilang mga probinsiya sa nasabing panahon.

Sinabi LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano na magiging epektibo ang nasabing special permit mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 6.

Taon-taon aniya ay pinapalawig pa ng LTFRB ang pagbibigay ng mga special permit na mga bus na babiyahe sa mga probinsiya dahil sa kadalasan ay nagkakaubusan ang nasabing mga bus sa dagsa na rin ng mga pasahero.