Asahan na raw sa susunod na dalawa o tatlong buwan na madadagdagan na ang transport network vehicle service (TNVS) para sa operasyon ng Grab cars sa buong bansa.
Kasunod na rin ito ng pagbubukas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 8,000 slots para sa TNVS.
Sa isang statement, ang karagdagang TNVS slots ay binuksan noong April 18 at asahan na rin umanong kasama na rito ang mga bagong TNVS drivers.
Ito ay kapag nakumpleto na ang LTFRB-mandated onboarding procedures.
Sa sandali umanong handa nang tanggapin ng LTFRB TNVS online portal ang TNVS driver sign-ups ay asahan na rin daw ang karagdagang TNVS drivers sa mga susunod na buwan.
Ang bagong batch ng TNVS slots ay kailangan na raw sa ngayon dahil naapektuhan ang mga ito dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Nagresulta kasi ang pandemic sa mas mahaba ring suspension ng ride-hailing at ang mga drivers ay naghanap na lang ng iba pang trabaho at oportunidad.