Inihahanda na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng fuel subsidy para sa transport sektor.
Ayon sa LTFRB, kasalukuyang inihahanda ang lahat ng mga kaialngang dokumento para sa paglalabas ng fuel subsidy para sa second tranche.
Tiniyak naman ng ahensiya ang na magiging mabilis ang pagkuha ng mga subsidiya para sa ikalawang tranche dahil naiproduced na ng Land Bank of the Philippines ang lahat ng cards sa nagdaang distribusyon ng fuel subsidy sa PUJ at sa iba pang transport sector.
Ayon kay LTFRB Executive Director Tina Cassion, target na masimulan ang pamamahagi ng fuel subsidy para sa ikalawang tranche ng mas maaga sa buwan ng Hulyo depende pa rin kung gaano kabilis ang pagdownload ng DBM sa pondo.
Nauna ng naglaan ng P2.5 billion na fuel subsidy ang pamahalaan para sa fuel subsidy para matulungan ang transport sector sa gitna ng ilalng serye ng big-time oil price hikes.