-- Advertisements --

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa reklamong natanggap nila ng labis na paninigil sa pamasahe ng mga motorcycle taxi.

Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na hindi nila kukunsintihin ang nasabing paglabag sa sistema ng pampublikong transportasyon.

Nakipag-ugnayan na sila sa mga motor taxi at mga technical working group ukol sa nasabing usapin.

Paglilinaw pa ni Guadiz na mayroong inilaang fare matrix na dapat sundin ng mga motorcycle taxi.