-- Advertisements --
Kampante ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na maibabalik na sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan ang operasyon ng LRT-Line 2 na nasunugan ng riles kamakailan.
Ayon kay LRTA spokesperson Hernando Cabrera, pinag-aaralan na ng kanilang hanay ang mano-manong pag-kumpuni sa mga nasirang parte para mapabilis ang repair ng nasunog na bahagi.
Sa ngayon daw kasi ay patuloy pa ring ina-assess ng train line engineers ang iniwang danyos ng sunog.
Nananatiling target daw ng LRTA na maibalik ang operasyon ng Anonas hanggang Santolan station sa Marikina sa Disyembre.
Plano rin ng tanggapan na magdagdag ng limang bagong istasyon patungong Port Area sa Maynila.