Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na magbibigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit 2 (LRT 2) para sa mga commuters na estudyante sa papasok na school year.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, nagbigay na rin siya ng rekomendasyon kay Pangulong Bongbong Marcos sa isinagawang ikalwang Cabinet meeting na palawigin pa ang Libreng Sakay Program sa Manila Metro Rail Transit System Line 3 (MRT 3) at sa Philippine National Railways (PNR).
Sa ngayon ay inaantay pa ang pag-apruba sa naturang rekomendasyon.
Nauna ng inanunsiyo ng Pangulo ang pagpapalawig pa hanggang sa Disyembre ngayong taon ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel at magbibigay din ng libreng sakay para sa mga estudyante sa linya ng tren mula August 22 hnaggang November 4.
-- Advertisements --