-- Advertisements --

Simula ngayong araw ay extended na ang operating hours ng Light Rail Transit (LRT)-Line 1 bilang paghahanda sa papalapit na Pasko.

Batay sa anunsyo ng Light Rail Manila Corporation, alas-11:00 ng gabi ang huling biyahe ng train sa southbound na Baclaran station.

Habang 11:15 ng gabi ang last trip mula sa northbound na Roosevelt station.

Sa weekends naman, 9:30 ng gabi ang huling trip mula Baclaran, samantalang 9:45pm ang last trip mula Roosevelt station.

Wala namang adjustments sa schedule ng first trip sa umaga na 4:30am.

Magtatagal ang extended operating hours ng LRT-Line 1 hanggang December 31, 2019.