-- Advertisements --
Inayos na ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang maling pagkabaybay ng National Bureau of Investigation (NBI).
Mula kasi na mabatikos ang signages na nakalagay sa stasyon ng LRT-1 ay kanila na itong pinalitan at itinama ang tamang pag-baybay ng nasabing letra.
Pagtitiyak naman ng LRT-1 na ang nasabing insidente ay pagkakamali lamang ng gumawa ng signage.
Pinasalamatan naman ni LRT Spokesperson Jacqueline Gorospe ang mga mamamayan sa pagpaparating sa kanila ng nasabing namaling pagbababay.