-- Advertisements --
LRT 1 Cavite extension project

Inihayag ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), na ang initial phase ng Cavite extension project ay mayroon nang pag-usad kung saan naka-schedule at nakatakdang magbukas sa huling quarter ng 2024.

Ang naturang proyekto ay mayroon ng 94.1% completion rate noong ikatlong quarter ng 2023 sa parehong civil at system works ng 6.7-kilometer phase 1.

Ang naturang extension project ay mayroon limang bagong stations, ang bawat station ay may iba’t ibang development:

Redemptorist Station: 86.3%
MIA Station: 86.9%
Asia World Station: 72.9%
Ninoy Aquino Station: 81.5%
Dr Santos Station: 90.5%

Ang MIA station ay nakaposisyon bilang pinakamalapit na station sa airport. Samantala, ang Asia World Station ay nakaplanong kumonekta sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Nitong September 2023, nakamit ng LRT-1 Cavite Extension Phase 1 Project ang mahigit 358,338 safe-man hours. Ang naturang proyekto ay nakapagtala na ngayon ng kabuuang 11.8 million safe-man hours.

Matatandaang itinuloy ang privatization ng LRT-1 bilang bahagi ng south extension project sa Cavite.

Ang mga paparating na seksyon ng extension project ay mag-uugnay sa LRT-1 sa Cavite, na magpapalawak ng abot nito sa mga istasyon ng Las Piñas, Zapote at Niog.