-- Advertisements --

Magpapatupad ng libreng sakay sa lahat ng mga pasahero ng Light Rail Transit Lines 1 at 2 (LRT-1 at LRT-2) ngayong araw, June 12.

Ito ay bilang pakikiisa pa rin ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at Light Rail Manila Corp. (LRMC) sa ginugunitang Araw ng Kalayaan ngayong araw sa bansa.

Libreng makakasakay sa naturang tren ang mga commuters mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Maaari pa rin namang gamitin ng mga mananakay ang kanilang stored-value cards nang walang charge, habang single-journey tickets naman ang libreng ipapamahagi sa iba pang mga pasahero.

Magugunita na mula noong March 28 hanggang sa kasalukuyan ay nagbibigay din ng libreng serbisyo sa publiko ang government owned na Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na nakatakda namang magtapos hanggang June 30.