-- Advertisements --
Magpapatupad ng malakihang taas presyo ang liquefied petroleum gas o (LPG).
Simula sa Mayo 1, maglalaro mula P3.00 hanggang P5.00 ang itataas sa kada kilo ng LPG.
Katumbas ito ng P33.00 hanggang P55.000 na dagdag-presyo sa bawat tangke ng 11 kilo.
Mayroong bawas presyo naman ang mga produktong langis sa bansa.
Maglalaro ng P1.70 hanggang P1.90 ang ibabawas sa kada litro ng diesel habang P0.30 hanggang P0.40 naman ang ibabawas sa gasolina at P1.90 hanggang P2.10 sa kada litro ng kerosene.
Ipapatupad ang bawas presyo simula sa araw ng Martes Abril 28.