-- Advertisements --
Ganap nang naging bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa may extreme Northern Luzon.
Ayon sa Pagasa, natukoy ang lokasyon nito sa layong 550 km sa hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Tinawag ito bilang tropical depression Gorio, na siyang ika-pitong bagyo na nabuo o pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa taong 2021.
Hindi naman ito inaasahang tatama sa alinmang parte ng Pilipinas, ngunit paiigtingin ng bagyo ang umiiral na habagat.
Babala ng Pagasa, maaaring muling makaranas ng mga pag-ulan ang mga nasa kanlurang parte ng ating bansa sa mga susunod na araw.