-- Advertisements --
Patuloy na magdadala ng mga pag-ulan sa malaking parte ng Bicol region at Visayas ang low pressure area (LPA) sa silangan bahagi ng Southern Luzon.
Ayon kay Pagasa forecaster Lorie dela Cruz, huling namataan ang LPA sa layong 135 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Sa ngayon, maliit pa ang tyansa nitong maging bagong bagyo.
Samantala, isang bagyo naman ang mino-monitor sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 2,010 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 15 kph.