-- Advertisements --

Asahan na ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao sa mga susunod na araw.

Bunsod ito ng namataang low pressure area (LPA) sa silangang parte ng ating bansa.

Huling natukoy ang LPA sa layong 330 km sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Nagbabala rin ng posibleng pagbaha ang Pagasa sa iba pang lugar ng bansa, partikular na sa mga nasa may West Philippine Sea, dahil naman sa lumalakas na hanging habagat.

Pero ayon sa Pagasa, walang aasahang bagyong hahabol sa pagtatapos ng buwan ng Mayo.